^

Bansa

Diplomatic protest vs UAE hiling ng Migrante

-
Hiniling kahapon ng grupong Migrante sa pamahalaan na maghain ng diplomatic protest laban sa gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) dahil sa patuloy na pang-aabuso sa mga Pinay workers doon.

Ayon kay Connie Bragas-Regalado, chairperson ng Migrante Sectoral Party, dapat agad na magsampa ang Department of Foreign Affairs ng protesta at rebisahin ang diplomatic relations nito sa UAE dahil sa mga ulat na pagmamalupit sa mga manggagawang Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Base sa report, may 60 Pinay housemaids ang tumakas sa kani-kanilang among Arabo dahil sa pananakit, sexual harassment at hindi pagpapasuweldo.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Philippine Consulate sa UAE ang mga Pinay DH at ngayo’y humihingi ng saklolo mula sa pamahalaang Arroyo para sa kanilang agarang pagbabalik sa bansa.

Nabatid na umaabot sa 36,000 Pinay ang nagtatrabaho bilang katulong sa UAE mula sa 200,000 kabuuang bilang ng mga OFWs sa nasabing bansa na sakop ng Middle East. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARABO

AYON

CONNIE BRAGAS-REGALADO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

HINILING

MIDDLE EAST

MIGRANTE SECTORAL PARTY

PHILIPPINE CONSULATE

PINAY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with