Nagpatakas kay Garci gigisahin sa House
August 20, 2005 | 12:00am
Nagdesisyon kahapon ang limang komite na nagsagawa ng imbestigasyon sa "Hello Garci" tapes na muling buksan ang pagdinig upang malaman kung paanong nakalabas ng bansa si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Sinabi ni Cavite Rep. Gilbert Remulla, chairman ng House committee on public information, nais alamin ng 5 komite kung sino ang mga responsable sa pagkakatakas ni Garcillano kaya hihingan nila ng paliwanag ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, Bureau of Immigration, Air Transportation Office, NAIA, Subic Air at Aviation and Security Commission.
Pansamantalang itinigil ang imbestigasyon dahil sa hindi pagsipot ni Garcillano sa patawag ng House of Representatives na naging dahilan para ipaaresto ito ng Kamara.
Inaasahang bubuksan ang imbestigasyoon sa Agosto 29.
Samantala, bumuo ang DOJ ng lima kataong magsisiyasat sa mga opisyal at kawani ng BI. Sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzalez na maging si Immigration Commissioner Alipio Fernandez ay hindi sasantuhin ng gagawing imbestigasyon.
Kasabay nito, itinanggi naman ni BI Associate Commissioner Teodoro Delarmente ang ulat na siya ang nagproseso ng travel documents ni Garcillano kaya nakalipad ito patungong Singapore.
Handa anya siyang sumailalim sa imbestigasyon upang malinis ang kanyang pangalan. (Ulat nina Malou Rongalerios/Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest