Ani Villar, aabot sa 40 tonelada ang medical wastes na naiipon sa kalakhang Maynila kada araw. Kabilang sa mga solid at liquid medical wastes na itinatapon ay mga internal organs na tinanggal mula sa operasyon, dugo at iba pang blood components.
Talamak din daw ang pagtapon ng medical gadgets gaya ng injection needles at surgical gloves. Bukod pa rito ang mga radioactive waste na nabubulok lang sa mga pasilidad ng ospital. (Rudy Andal)