Ayon kay Vice Admiral Mateo Mayuga, pinuno ng binuong AFP Fact Finding Board, kung may nalalaman sa dayaan noong 2004 national elections ang mga junior officers ay dapat lumabas ang mga ito at sabihin ang kanilang nalalaman para sa kaalaman ng publiko.
"You come forward, tell us and we will handle it fairly," pahayag ni Mayuga.
Kabilang sa mga pangunahing heneral na idinawit sa dayaan sa halalan sina bagong talagang Army Chief Major Gen. Hermogenes Esperon, dating deputy commander ng AFP Task Force Hope noong 2004; 1st Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Gabriel Habacon; dating AFP Southcom chief Ret. Lt. Gen. Roy Kyamko at Phil. Military Academy deputy assistant Brig. Gen. Francisco Gudani, dating commander ng Task Force Ranao. (Joy Cantos)