^

Bansa

Tipid-gas ipapautang!

-
Ipapautang na ng Inventionhaus International Inc. ang Pinoy-gas saving device na Khaos Super Turbo Charger (KSTC) bilang alternatibong sagot sa lumalalang problema ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Kahapon, pormal nang nagpirmahan ang pamunuan ng Inventionhaus International at Asialink Finance Corp. na magpi-finance sa gagawing pautang sa mga motoristang nagnanais magpakabit ng KSTC (www.khaos.ph).

Ayon kay Pablo ‘Mr. Khaos’ Planas, imbentor ng natatanging tipid-gas gadget, layunin ng pagpapautang na matulungan ang mga motoristang nagtitipid, ngunit nagnanais magkaroon ng tipid-gas gadget.

Sa pamamagitan ng Asialink, puwede ng makautang ng KSTC ang sinumang motorista nang walang kahirap-hirap. Ang kailangan lamang ay original receipt (OR) at certificate of registration (CR) ng kanilang sasakyan at ilan pang dokumento at puwede nang magpakabit sa alinmang Khaos installation sites sa Timog-Quezon City; Ortigas sa Pasig City; Buendia sa Makati City; Alabang, Muntinlupa; Sucat, Parañaque City.

"Bilang pagmamahal ko sa sambayanang Pilipino, gusto kong ipamahagi ang aking natatanging imbensiyon kaya gumawa ako ng paraan para magamit ng mga motorista. Makakautang na, makakatipid pa," ani Ka Pablo.

Ang KSTC ni Planas ay pinagkakaguluhan ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bansa dahil ang bawat kotse na makakabitan nito ay nagkakaroon ng katipiran na 15-50 percent na konsumo sa gasoline, zero pollution at pagpapalakas sa makina ng sasakyan.

Sinabi ni Isko Catibayan, spokesman at vice-president for business development, ang pagpapautang sa KSTC ay malaking tulong hindi lamang sa mga pribadong motorista kundi sa mga driver mismo ng pampublikong sasakyan. "Ito na ang pinakahihintay na solusyon ng taumbayan sa tuluy-tuloy na pagtaas ng gasoline at sa pagbibigay lunas sa matinding polusyon," sabi ni Catibayan.

Sa ilalim ng pagpapautang ng Asialink, ang mga motorista ay magbabayad lamang ng P668 tuwing kinsenas-katapusan sa loob ng anim na buwan. "Pinag-isipan naming mabuti kung papaano makakatulong sa masang motorista, ito’y isang pamamaraan kung saan maihahatid ang pagtitipid sa pagkonsumo sa gasoline," sabi naman ni Rico Gonzales, area vice president for dealers and special projects. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ASIALINK

ASIALINK FINANCE CORP

ELLEN FERNANDO

INVENTIONHAUS INTERNATIONAL

INVENTIONHAUS INTERNATIONAL INC

ISKO CATIBAYAN

KA PABLO

KHAOS SUPER TURBO CHARGER

MAKATI CITY

MR. KHAOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with