3 AFP generals sa Hello Garci lumutang
August 17, 2005 | 12:00am
Lumutang na sa AFP Fact Finding Board ang tatlong heneral na isinabit sa "Hello Garci" tape at itinangging sangkot sila sa pandaraya noong 2004 presidential elections.
Nagpaliwanag sa kanilang isinumiteng affidavit sina incoming Army Chief Major Gen. Hermogenes Esperon, 1st Infantry Division Chief Major Gen. Gabriel Habacon at Phil. Military Academy (PMA) Deputy Supt. Brig. Gen. Francisco Gudani.
Sinabi ni Esperon na nagsumite siya ng counter affidavit para linisin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga heneral na isinasabit sa kontrobersiya.
Nanindigan din si Habacon na wala umanong nangyaring dayaan noong eleksiyon habang ipinaliwanag ni Gudani na ang tanging papel niya sa halalan ay ang pagiging commander ng Task Force Ranao sa Marawi City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest