^

Bansa

‘Hello Garci tape’ galing kay Ping – Riva

-
Ibinunyag ng dating jueteng witness ng oposisyon na si Abe Riva na dinala ni Sen. Panfilo Lacson ang kopya ng "Hello Garci" tape sa kanilang safehouse at ibinigay kay Bishop Tobias bago pa man mabunyag ang kontrobersyal na wiretapped conversation.

Sinabi ni Mr. Riva, sampung araw bago ilabas ni Press Sec. Ignacio Bunye ang nasabing tape ay mayroon ng kopya nito si Bishop Tobias na ibinigay ni Sen. Lacson at ipinarinig pa ito sa kanila.

Aniya, sila nina Wilfredo Mayor at Richard Garcia na nasa safehouse ni Bishop Tobias sa East Fairview, QC ang unang nakarinig nito.

Nagtaka si Riva pati si Garcia ng iparinig sa kanila ang kontrobersyal na tape at kung ano ang magiging kaugnayan nito sa gagawing pagharap nila sa senate investigation hinggil sa jueteng payola isyu.

Wika pa nito, nagtungo din sa kanilang safehouse si dating Sen. Kit Tatad kasama ang kapatid nito ilang araw bago sumabog ang "Hello Garci" controversy.

"Nagtataka ako kung bakit sunud-sunod ang ginawang pagpapasabog ng kontrobersya ni Sen. Lacson laban kay Pangulong Arroyo, kaya duon pa lamang ay nag-isip na ako na mayroong hidden agenda ito laban sa Pangulo," sabi pa ni Riva.

Magugunita na humarap sa media si Riva matapos siyang umalis sa kampo ng oposisyon kasunod ni Garcia dahil ayaw na raw nilang magpagamit sa kampo ni Lacson na ang interes ay patalsikin si Mrs. Arroyo sa puwesto.

Humingi din ng paumanhin sina Riva at Garcia sa Pangulo dahil sa pagsangkot sa pamilya nito sa jueteng isyu sa utos daw ng oposisyon. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ABE RIVA

BISHOP TOBIAS

EAST FAIRVIEW

GARCIA

HELLO GARCI

IGNACIO BUNYE

KIT TATAD

LACSON

MR. RIVA

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with