6.7 milyong manggagawa adik sa droga
August 15, 2005 | 12:00am
Naalarma ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Pinoy sa bansa na gumagamit ng ipinagbabawal na droga at marijuana.
Base sa pinakahuling pag-aaral na natanggap ng DOLE, tumaas ng 2/3 ang mga Pinoy na naging sugapa sa bawal na gamot ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Labor Undersecretary Manuel Imson, mula sa dating rekord na 4.4 milyon ay umaabot na ngayon sa 6.7 milyon ang mga manggagawa na gumagamit ng ilegal na droga sa bansa.
Dalawang milyon sa nasabing bilang ay itinuturing umanong mga "young professionals" at mga "minimum wage earners" o yung kumikita lamang ng sapat para sa kanilang pamilya,
"Lubhang nakakaalarma na ang nasabing datos dahil patuloy itong tumataas sa paglipas ng mga taon," sabi ni Imson.
Noong 1996 ay nakapagtala lamang ang DOLE ng 1.7 milyon, subalit paglipas ng mga taon ay biglang lumobo at ngayon ay pumalo na sa 6.7 milyon.
Sinabi pa ni Imson na dalawang lugar lamang ang maaaring mapuntahan ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, pagamutan at sementeryo. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest