^

Bansa

Defensor masisibak!

- Ni Rudy Andal -
Nanganganib na masipa sa kanyang puwesto si Environment Secretary Mike Defensor, ito’y matapos hilingin kahapon ng militanteng grupo sa mga miyembro ng Commission on Appointments (CA) na bawiin ang kumpirmasyon nito makaraang itanggi ng US-based audio expert ang ginawang pahayag ng kalihim hinggil sa "Hello Garci" tape.

Sinabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na dapat nang bakantehin ni Defensor ang DENR at bawiin ng mga miyembro ng CA ang appointment nito matapos itanggi ng US expert na si Barry Dickey ang mga pahayag ng kalihim sa ginawa nitong press conference noong Biyernes na ‘spliced’ ang sinuring "Hello Garci" tape.

"The CA is highly obliged to make an immediate reversal of its previous decision upholding the game plan of Malacañang to designate Sec. Defensor as DENR secretary. What Defensor did which constitutes grave betrayal of public trust and national affront to the collective intelligence and national interest of the people merits an outright political rejection," wika ng Pamalakaya.

Hinikayat din ng militanteng grupo si Dickey na magsampa ng kasong kriminal at sibil laban kay Defensor dahil sa pagbaluktot nito sa resulta ng ginawang pagsusuri sa kontrobersiyal na tape.

Nilinaw naman ni Defensor na hindi siya ang nagsabing ‘spliced’ ang ilang portion ng tape kundi ang Filipino sound audio expert daw na si Jonathan Tiongco na siyang nakausap ni Mr. Dickey.

Iginiit pa ng grupo na ang trabaho ni Defensor ay protektahan ang ating kalikasan sa pamamagitan ng paghuli at pag-aresto sa mga illegal loggers, mga big-time mining corporations na sumisira sa ating kapaligiran at hindi protektahan ang ginawang pandaraya ng Pangulo noong nakaraang eleksiyon.

vuukle comment

BARRY DICKEY

DEFENSOR

ENVIRONMENT SECRETARY MIKE DEFENSOR

HELLO GARCI

JONATHAN TIONGCO

KILUSANG MAMAMALAKAYA

MR. DICKEY

PAMALAKAYA

PAMBANSANG LAKAS

WHAT DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with