Hamon ni Ping: Ipasuri ang orig!
August 13, 2005 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Sen. Panfilo Lacson ang Palasyo na ang original na "Hello Garci" tape ang ipasuri nito sa mga voice expert upang malaman ng publiko ang katotohanan hinggil sa nilalaman nito.
Kinuwestiyon ni Sen. Lacson bakit umabot ng 2 buwan bago naisip ng Palasyo sa pamamagitan ni Environment Sec. Mike Defensor na ipasuri ang isang set ng tapes na isinumite umano ni Atty. Alan Paguia sa Kamara.
Sinabi ni Lacson na bagamat credible si Barry Dickey na sumuri sa tape ni Defensor dahil sa kilalang voice expert ito, ay hindi naman ang kumpletong tape ang kanyang isinumite dahil 2 sets of tapes ito.
Idinagdag pa ni Lacson, kung ang Malacañang ay nagsumite ng basurang tape para sa authentication sa isang forensic expert ay siguradong basura rin ang magiging resulta nito kaya dapat kumpleto at genuine ang kanilang ipasuri.
Aniya, ang buong orihinal na tape ang dapat ipasuri sa Uniquest na isa ring forensic expert na nakabase sa Australia pero hindi rin niya tinatawaran ang kakayahan ng sumuri sa isinumiteng tape ni Defensor na si Dickey dahil kilalang forensic expert din ito pero baka kulang lang ang kanilang ipinasuring tape.
Hinamon pa ni Lacson si Defensor na dapat hilingin nito kay Pangulong Arroyo na magbitiw ito agad sa sandaling magtugma ang findings ni Dickey sa findings ng Uniquest sa ipapasuri niyang original tape ng "Hello Garci".
Idinagdag pa ng senador, ang nais lamang naman ng Malacañang ay maguluhan ang mga kongresista upang hindi ito mahimok na lumagda sa impeachment complaint na nakahain ngayon sa Kamara. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest