^

Bansa

Yarcia, et al kinasuhan sa DOJ

-
Ipinagharap kahapon ng kasong kriminal ng dalawang Comelec officers sa Department of Justice (DOJ) ang dating military official at iba pang personalidad na umano’y nagtangkang manuhol sa kanila kapalit ng pagpapabagsak kay Pangulong Arroyo.

Personal na naghain ng demanda sa DOJ sina Gilbert Palogan na nakatalaga sa Bulacan at Ferdinand Gerardo na naka-assign sa Pampanga laban kina ret. Gen. Julius Yarcia, David Tan, mga tauhan ni dating Defense Sec. Renato de Villa at iba pang John Does ng paglabag sa PD 46 o pagbabawal sa mga public officials na tumanggap ng regalo at paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o corruption of public officials.

Sa inihaing joint complaint affidavit nina Palogan at Gerardo, nagpakilala umano si Yarcia na kaibigan siya ni de Villa at pinangakuan sila na mabibigyan ng US visa at P5 milyon kapalit ng pagsira sa Pangulo bilang corroborative witnesses.

Kasalukuyang nasa safehouse na ng NBI ang dalawang complainant dahil sa mga banta sa kanilang buhay. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BULACAN

COMELEC

DAVID TAN

DEFENSE SEC

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND GERARDO

GILBERT PALOGAN

JOHN DOES

JULIUS YARCIA

PANGULONG ARROYO

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with