Ayon kina House Majority Floor Leader Prospero Nograles at Makati Rep. Teodoro Locsin, hindi dapat ginawang katawa-tawa ng grupo ni Reyes ang exorcism dahil isa itong seryosong rituwal na hindi dapat basta-basta ginagawa ng Simbahang Katoliko.
Magkakaiba aniya ang paniniwala ng mga kongresista pagdating sa relihiyon dahil ang iba sa kanila ay Muslim, Iglesia ni Cristo at mayroon din umanong hindi naniniwala sa Diyos.
Nagmistula rin umanong na-possessed o sinasapian ng demonyo ang mga kongresistang hindi pabor sa isinusulong na impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo dahil sinabuyan ni Reyes ng holy water ang mga litrato ng mga solon.
"They are bordering on a criminal felony, slander by deeds or grave scandal. They should not have insulted House members who exercised their beliefs and rights in the impeachment," ani Nograles.
Sinabi pa ni Nograles na dapat magbantay ang Simbahang Katoliko sa ginagawa ng ilang mga pari sa gitna ng krisis pulitikal na nararanasan ng bansa.
Matatandaan na ginawa ng grupong Akbayan ang exorcism dahil umano sa pulitika, partisanship at kasinungaling na naghahari sa Kamara.
Inindorso na sa ethics committee ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ginawa ni Reyes at ng Akbayan. (Malou Rongalerios)