57 Pinoy na inaresto sa Thailand, laya na
August 10, 2005 | 12:00am
Pinakawalan na ang may 57 manggagawang Pinoy na iniulat na inaresto sa Thailand.
Ayon kay Ambassador Antonio Rodriguez, kasalukuyan nang pinoproseso ang pagbabalik sa bansa ng mga ito na pawang nabiktima ng syndicated illegal recruitment.
Mula sa nasabing bilang, nauna nang umuwi kamakalawa ang 7 habang kasunod sa pamamagitan ng batch-by-batch ang 20 pang Pinoy.
Ang iba ay nasa pangangalaga pa ng Thailand Immigration habang inaayos ang kanilang mga dokumento.
Hihilingin ni Rodriguez ang posibilidad na gastusan ng DFA ang repatriation ng mga nabanggit na Pinoy kung wala silang makuhang mga pamasahe pauwi sa Pilipinas. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended