Bagong testigo ni Ping di aatras sa laban!
August 10, 2005 | 12:00am
"Tuloy ang laban!
Ito ang ibinulalas na hamon kahapon ni Army Capt. Marlon Mendoza, sa kabila umano ng pagwasak sa kanyang kredibilidad bilang isa sa mga hawak na testigo ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng umanoy dayaan noong 2004 national elections.
Ayon kay Mendoza, hindi siya natatakot sa mga banta sa kanyang buhay at tuloy ang kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senado ngayong araw.
Inamin ni Mendoza na nagtago siya matapos lumantad si La Vista payoff whistleblower Michaelangelo Zuce dahil tinutugis siya at ang kanyang pamilya ng Presidential Security Group (PSG). Maging ang kanyang mga kaibigan ay tinangka umanong suhulan upang ituro ang kanyang kinaroroonan.
Ibinulgar naman ni Sen. Panfilo Lacson na nakatanggap sila ng tawag mula sa pamilya ni Mendoza sa Batangas na may tatlong sasakyan ng PSG ang nakaparada sa paligid ng kanilang bahay kaya agad na humingi ng tulong ang senador sa parish priest ng Lemery, Batangas upang mailabas ang pamilya ng sundalo.
Nailabas din ang siyam na miyembro ng pamilya ni Mendoza sa pamamagitan ng mini-people power ng parish priest at mga kapitbahay nito at sa kasalukuyan ay nasa safehouse na ang mga ito.
Ikinabahala ni Lacson ang tila mas lalong sumasamang ginagawa at ikinikilos ng Malacañang na tila may "undeclared martial law".
Pero tiniyak naman ni Lacson na sa kabila ng mga pananakot ay mas lalong determinado si Mendoza na humarap sa jueteng hearing upang ilabas ang kanyang mga nalalaman at suportahan ang testimonya ng La Vista payoff whistleblower na si Michaelangelo Zuce. (Ulat nina Joy Cantos at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest