Labi ni Sen. Roco inuwi sa Bicol
August 9, 2005 | 12:00am
Inihatid kahapon ni Senate President Franklin Drilon at malalapit na kaibigan ang labi ni dating Sen. Raul Roco para isakay sa eroplano ito patungong Camarines Sur.
Bandang alas-10:45 ng umaga kahapon ng isakay sa isang chartered flight ng Andes Soriano Aviation Corporation ang selyadong kahon na pinaglalagyan ng labi ni dating Education Sec. Roco.
Kabilang sa mga naghatid sa bangkay ni Roco ay sina Sen. Drilon, dating Bangko Sentral Gov. Gabriel Singson at malalapit na kaibigan.
Bago tuluyang ipasok ang bangkay ni Roco sa eroplano, tiniklop ni Sen. Drilon ang bandilang nakabalot dito at ipinagkaloob sa maybahay ng yumaon na si Mrs. Sonia Roco.
Nakatakdang ihatid sa Sto. Niño Memorial Park sa Naga City si Roco sa Huwebes.
Hindi na dinala sa Senado at Kamara ang labi ni Roco upang mabigyan siya ng luksang parangal bilang dating senador at kongresista.
Nasawi si Roco noong Biyernes bandang alas-9:15 ng umaga sa St. Lukes Medical Center dahil sa prostate cancer nito. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest