^

Bansa

Opisyal sa ‘Hello Garci’ tape ipinatawag ng AFP

-
Apat sa sampung matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nabanggit sa ‘Hello Garci’ tape ang ipinatawag upang isalang sa imbestigasyon ng AFP Fact Finding Board.

Tumanggi si Lt. Comdr. Earl Eva Pabalan, military deputy public information chief, na pangalanan ang apat na AFP officials na ipinatawag ng fact finding board matapos masangkot ang kanilang pangalan sa ‘Hello Garci’ tape kaugnay ng sinasabing naganap na dayaan noong nakaraang May 2004 elections.

Kabilang si B/Gen. Francisco Gudani na kasama sa 4 na heneral na nabanggit ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa "Hello Garci’ tape.

Hinamon naman ng Young Officers Union of the New Generation (YOUNG) si Gen. Gudani at 9 na iba pang opisyal na pawang nakabase sa Mindanao noong May 2004 elections na magpaliwanag hinggil sa kanilang naging partisipasyon sa dayaan.

Minaliit naman ng AFP ang mga banta ng YOUNG kung saan ay sinabi pang bogus ang ipinalabas na manifesto nito na nagbabantang pababagsakin ang Arroyo government.

Samantala, iniulat ng Philippine embassy sa United Kingdom sa Department of Foreign Affairs (DFA) na wala sa London ang hinahanap na si dating Comelec Comm. Garcillano matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Kamara laban dito dahil sa pagkabigong makadalo sa pagdinig hinggil sa kontrobersyal na "Gloriagate tape". (Joy Cantos/Ellen Fernando)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMELEC COMM

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EARL EVA PABALAN

ELLEN FERNANDO

FACT FINDING BOARD

FRANCISCO GUDANI

HELLO GARCI

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with