Northrail prexy handa sa Impeachment Court
August 9, 2005 | 12:00am
Inihayag ni Northrail president Jose Cortes Jr. na nakahanda siyang humarap sa impeachment court upang ipagtanggol ang Northrail project dahil wala naman itong anomalya gaya ng akusasyon ng oposisyon.
Sinabi ni Mr. Cortes, ang $503 milyong loan sa Export-Import Bank of China (Eximbank) ay dumaan sa government to government transactions kaya walang anomalya dito gaya ng akusasyon ng oposisyon na isinama sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.
Nilinaw din ni Cortes na mali ang pagtataya ni Senate President Franklin Drilon na aabot ng P880 milyon ang halaga ng bawat kilometro ng Northrail na magmumula sa Sangandaan, Caloocan City hanggang Malolos Bulacan, dahil two-way track ito na may habang 64.4 kilomentro.
Ipinaliwanag pa ng Northrail president, moderno at state of the art ang tren na ito kung saan ang mga sasakay ay puwedeng magkape habang nasa biyahe na hindi tatapon ang kanilang hinihigop na kape habang nasa tren.
Aniya, hindi din rehabilitasyon lamang sa lumang riles ng tren ng PNR ang gagawin ng Northrail kundi puro bago ito bukod sa maglalagay sila ng concrete wall at mga viaducts habang ang gagamiting coaches dito ay mga Diesel Multiple Units (DMUs).
"Handa akong humarap sa impeachment court sa sandaling umabot dito ang complaint laban kay Pangulong Arroyo upang ipagtanggol ang Northrail dahil wala namang anomalya o overpricing sa proyektong ito," wika pa ni Cortes.
Idinagdag pa ng Northrail president, ang nasabing loan ay babayaran ng Northrail sa loob ng 20 taon na mayroon lamang na 3 percent interest at may grace period pang 5 taon.
Samantala, iginiit din ni Chinese Ambassador Wu Hongbo na ang nasabing loan agreement para sa Northrail project ay isang government to government transactions at wala itong anomalya. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended