Ang naturang programa na sinuportahan ni Councilor Ariel S. Arceo ay naisagawa sa pamamagitan ng SALIKA Foundation, isang community-based private institution sa Guiguinto, Bulacan na naglalayong mabigyan ng libreng pagpapa-aral ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante para mapangalagaan ang kinabukasan ng mga kabataan dito.
"I believe that everyone has a social responsibility that needs to be recognized and fulfilled kaya higit po naming pinangangalagaan ang kinabukasan at kapakanan ng mga kabataan" pahayag ni Arceo.
Nakipag-tulungan ang Drug Check Philippines, Inc. sa lokal na pamahalaan para asistihan ang implementasyon ng anti-drug campaign nito na nagsisilbing paalala sa mga kabataan at mga residente ng Guiguinto Bulacan hinggil sa paglaban sa mga bawal na gamot sa kanilang lugar.
Naniniwala si Arceo na sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga residente ng local na pamahalaan ng Guiguinto ay higit na magpapatagumpay sa programa nito laban sa illegal drugs.