Raul Roco namatay sa cancer
August 6, 2005 | 12:00am
Matapos ang isang linggong pagsasailalim sa chemotherapy ay namatay din kahapon ng umaga ang dating senador at presidential candidate na si Raul Roco matapos ma-cardiac arrest dahil sa sakit na prostate cancer at kumplikasyon sa baga at buto.
Si Roco, 63, ay binawian ng buhay sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City bandang alas-9 ng umaga.
Kasalukuyang nakaburol ang labi sa chapel ng Sta. Maria dela Strada Parish Church sa La Vista, Katipunan road, Quezon City.
Iniwan ni Roco ang 6 na anak at asawang si Sonia.
Naging kapansin-pansin ang biglang pagbagsak ng katawan ni Roco noong panahon ng kampanya kaya napilitang magpagamot sa Amerika.
Siya ang unang kandidato sa pagka-pangulo na nag-concede sa nabanggit na halalan.
Si Roco na ipinanganak noong October 26, 1941 at tubong-Naga City, Camarines Sur ay naging pinakabatang youth leader at Con-Con delegate noong 1961.
Siya rin ay isa sa mga award-winning film producer na dinirehe ni Lino Brocka sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang na humakot ng 6 na Famas Awards noong 1974.
Malaki rin ang naitulong nito sa mga kababaihan at OFWs dahil sa pag-akda ng Nursing Act, Anti-Sexual Harassment Law, Anti-Rape Law, Child and Family Courts at Women in Nation-Building Law.
Nanungkulan din si Roco sa Department of Education (DepEd) noong 2001.
Nagpa-abot naman ng pakikiramay si Pangulong Arroyo at mga miyembro ng Senado at Kamara.
Isa anyang malaking kawalan sa bansa si Roco. (Ulat nina Doris Franche/Angie dela Cruz/Joy Cantos/Edwin Balasa/Malou Rongalerios/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended