Nabatid na nag-lapsed ang validity ang EO 325 noong July 9, 2005 ngunit patuloy pa rin umano sa pagsasagawa ng "illegal" na operasyon ang mga tauhan ni Jaylo para umano "mangotong at mang-harrass" ng ilang may-ari ng recruitment agency sa bansa.
Ilan sa mga kinotongan umano ng mga tauhan ng PAIRTF ay ang mga Japanese national na sina Mitsuharu Koide na may-ari ng Takhon Intl Filipino Global na kinuhanan umano ng P2 milyon; Hoshino Sagumitso ng MTC Promotion na hiningan umano ng P1 milyon; ang may-ari ng ITU Daike Promotion, P1 milyon; Ishyama at Annabelle Fernandez, P2 milyon; may-ari ng ASAP Promotion, P1.5 milyon; Carol Cruz na pinagsuspetsahang illegal recruiter, P150,000 at Arnel Soliven na isang talent manager, P100,000.
Ang pinakahuling "illegal raid" na isinagawa ng PAIRTF ay noong July 15, 2005. Pumalag ang may-ari ng isang legal na recruitment agency na humiling na huwag ng ihayag ang pangalan kaya hindi umano kumita ang grupo ni Jaylo. (Ulat ni Mer Layson)