^

Bansa

PAIRTF ni Jaylo buwag na

-
Bunsod na rin umano ng iba’t-ibang uri ng reklamo na kinakaharap ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) na pinamumunuan ni Director Reynaldo Jaylo kaya hindi na ni-renew ni Pangulong Arroyo ang Executive Order (EO) 325 na nagbibigay kapangyarihan sa Task Force.

Nabatid na nag-lapsed ang validity ang EO 325 noong July 9, 2005 ngunit patuloy pa rin umano sa pagsasagawa ng "illegal" na operasyon ang mga tauhan ni Jaylo para umano "mangotong at mang-harrass" ng ilang may-ari ng recruitment agency sa bansa.

Ilan sa mga kinotongan umano ng mga tauhan ng PAIRTF ay ang mga Japanese national na sina Mitsuharu Koide na may-ari ng Takhon Int’l Filipino Global na kinuhanan umano ng P2 milyon; Hoshino Sagumitso ng MTC Promotion na hiningan umano ng P1 milyon; ang may-ari ng ITU Daike Promotion, P1 milyon; Ishyama at Annabelle Fernandez, P2 milyon; may-ari ng ASAP Promotion, P1.5 milyon; Carol Cruz na pinagsuspetsahang illegal recruiter, P150,000 at Arnel Soliven na isang talent manager, P100,000.

Ang pinakahuling "illegal raid" na isinagawa ng PAIRTF ay noong July 15, 2005. Pumalag ang may-ari ng isang legal na recruitment agency na humiling na huwag ng ihayag ang pangalan kaya hindi umano kumita ang grupo ni Jaylo. (Ulat ni Mer Layson)

vuukle comment

ANNABELLE FERNANDEZ

ARNEL SOLIVEN

CAROL CRUZ

DAIKE PROMOTION

DIRECTOR REYNALDO JAYLO

EXECUTIVE ORDER

FILIPINO GLOBAL

HOSHINO SAGUMITSO

JAYLO

MER LAYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with