Comelec officials handang makipagtuos kay Zuce
August 4, 2005 | 12:00am
Binanatan ng mga opisyal ng Comelec ang panibagong "whistleblower" na si Michaelangelo Zuce at tahasang itinanggi ang akusasyon na tumanggap umano sila ng pera upang siguruhin ang pagkapanalo sa eleksiyon ni Pangulong Arroyo.
Sinabi ng mga regional at provincial election officers ng Comelec na handa sila anumang araw na harapin si Zuce maging sa Senado upang patunayan na wala silang kinalaman sa mga ibinibintang nito.
Isa sa nag-aalburotong opisyal si Atty. Juanito Icaro, Region 4 election officer, ang pinangalanan ni Zuce na tumanggap ng envelope buhat kay dating Lubao, Pampanga Mayor Lilia Pineda na naglalaman ng tig-P30,000 para ipamudmod sa bawat opisyal ng Comelec sa loob ng Grand Boulevard Hotel sa Roxas Boulevard. Iginiit ni Icaro na hindi pa nya nakikita sa kanyang buong buhay si Mrs. Pineda, asawa ng umanoy jueteng lord na si Bong Pineda.
May galit lamang umano si Zuce sa kanya dahil hindi niya napagbigyan ang hiling nito na makipagpulong siya sa mga hawak niyang pulitiko at party-list groups para masiguro ang panalo sa eleksiyon.
Maliban kay Icaro, mariin ding pinabulaanan ni Agusan del Sur election supervisor Francisco Pobe ang alegasyon ni Zuce na siya ang nagpakilala sa huli kay Mayor Pineda. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended