^

Bansa

Billing statement ng cellphone ni GMA ipasu-subpoena

-
Nais ni House Deputy Minority Leader Alan Peter Cayetano, taga-pagsalita ng pro-impeachment team, na ipa-subpoena ang billing statement ng cellular phone ni Pangulong Arroyo upang malaman kung totoong tumawag ito kay dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Pero agad na hinarang ng mga kongresistang kakampi ng administrasyon ang mosyon ni Cayetano dahil malalabag umano ang karapatan ng Pangulo.

Ikinatuwiran ni Cayetano na malalaman sa billing statement kung ilang beses at sinong tinawagan ni Arroyo sa pamamagitan nang makikitang numero ng cellular phones.

Kaugnay nito, nagkasundo ang limang komite na nagsagawa ng pagdinig sa isyu ng wiretapping na humingi ng opinyon ng legal experts upang makita ang legalidad ng mosyon ni Cayetano.

Pinagdudahan din ni Cayetano ang sinabi ni House Deputy Majority Leader Arthur Defensor na magkakaroon ng "full blown" investigation sa impeachment complaint sa House committee on justice.

"That is nothing but hot air," ani Cayetano matapos harangin ng mga pro-administration solons ang pag-subpoena sa phone bill ni Arroyo mula sa Globe at Smart sa pagitan ng Pebrero hanggang Hunyo 2004. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CAYETANO

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER ARTHUR DEFENSOR

HOUSE DEPUTY MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

HUNYO

IKINATUWIRAN

KAUGNAY

MALOU RONGALERIOS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with