Sinabi ni Bunye na kung may malakas na ebidensiya si Zuce, hindi na sa press conference dapat ginawa ang bintang kundi sa korte bukod pa sa pagtestigo sa impeachment.
Si Zuce ay dating tauhan ni ex-Presidential Adviser on Political Affairs Joey Rufino. Sa kanyang liham sa Palasyo, sinabi ni Rufino na lumapit sa kanya noon si Zuce at humingi ng financial support para maibangon ang nalugi niyang negosyo sa Mindanao, subalit wala anya siyang naibigay na tulong dahil masyadong malaki ang hinihingi nitong pera. Sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon si Rufino kaugnay ng kanyang liver cancer.
Pinabulaanan rin ng 27 regional at provincial election officials ang alegasyon ni Zuce na tumanggap ang mga ito ng suhol upang tiyakin ang pagkapanalo ni Pangulong Arroyo sa nagdaang presidential elections. Sa ipinadalang magkakahiwalay na sinumpaang salaysay ng mga ito kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, itinanggi nila na nagpunta sila sa bahay ng Pangulo sa La Vista. (Ulat nina Lilia Tolentino/Grace dela Cruz)