^

Bansa

Hamon kay Zuce: 'Dalhin mo sa korte ang drama mo' – Bunye

-
Hinamon ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye ang umano’y bayarang testigo na si Michaelangelo Zuce na kung mayroon silang matibay na ebidensiya ay sampahan na lang ng kaso sa korte si Pangulong Arroyo kaysa mag-drama sa media hinggil sa ibinunyag nitong suhulan ng mga opisyal ng Comelec sa bahay ng Pangulo sa La Vista, Quezon City.

Sinabi ni Bunye na kung may malakas na ebidensiya si Zuce, hindi na sa press conference dapat ginawa ang bintang kundi sa korte bukod pa sa pagtestigo sa impeachment.

Si Zuce ay dating tauhan ni ex-Presidential Adviser on Political Affairs Joey Rufino. Sa kanyang liham sa Palasyo, sinabi ni Rufino na lumapit sa kanya noon si Zuce at humingi ng financial support para maibangon ang nalugi niyang negosyo sa Mindanao, subalit wala anya siyang naibigay na tulong dahil masyadong malaki ang hinihingi nitong pera. Sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon si Rufino kaugnay ng kanyang liver cancer.

Pinabulaanan rin ng 27 regional at provincial election officials ang alegasyon ni Zuce na tumanggap ang mga ito ng suhol upang tiyakin ang pagkapanalo ni Pangulong Arroyo sa nagdaang presidential elections. Sa ipinadalang magkakahiwalay na sinumpaang salaysay ng mga ito kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, itinanggi nila na nagpunta sila sa bahay ng Pangulo sa La Vista. (Ulat nina Lilia Tolentino/Grace dela Cruz)

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

LA VISTA

LILIA TOLENTINO

MICHAELANGELO ZUCE

PANGULO

PANGULONG ARROYO

POLITICAL AFFAIRS JOEY RUFINO

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

ZUCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with