Ayon kay Gonzalez, may natanggap siyang impormasyon mula sa military intelligence group na nagpaplano na umano ang rebeldeng grupo na patayin ang kalihim dahil sa pagbabanta nito na sasampahan ng kaso ang sinumang media personalities na maglalakas-loob na mag-ere ng kontrobersiyal na "Hello Garci" tape.
Nakasaad sa report na malaki na umano ang utang ni Gonzalez sa sambayanan dahil sa hindi pagbibigay umano ng pantay na hustisya sa bansa.
Gayunman, sinabi ng kalihim na hindi siya natatakot sa anumang death threats sa kanya at hindi pa rin nito titigilan ang pagtatanggol kay Pangulong Arroyo.
Ang nasabing intelligence report ay ipinamahagi na ng kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI), Western Police District (WPD) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Itinanggi naman ng NPA na balak nilang ipapatay si Gonzalez. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)