^

Bansa

Northrail project walang anomalya

-
Walang nakitang anomalya o overpricing ang tatlong komite ng Senado na nagsagawa ng imbestigasyon sa North Luzon Railways Corporation (Northrail) project.

Sa 14-pahinang committee report no. 30 ng joint committee on urban planning, housing and resettlement, finance at local government ay wala silang nakitang overpricing o anomalya sa kontrata ng Northrail at Export Import Bank of China.

Ayon sa report, wala silang nakitang overpricing sa $503 milyong Phase 1 ng 2-way track ng Northrail project na mag-uugnay mula Caloocan hanggang Malolos, Bulacan.

Wala ding nakita ang 3 komite na anomalya sa kontrata sa pagitan ng Northrail at Eximbank gayundin sa constitutionality ng kontrata na nilagdaan ng gobyerno sa Chinese government pati ang karagdagang 1 percent na interest na ipinataw ng Department of Finance mula sa 3 percent na interest sa utang sa Eximbank na babayaran sa loob ng 25 taon. Dahil dito, inirekomenda muli ng Senado na busisiin ang mga ito ng nararapat na komite upang madetermina kung wala na talagang problema ang nasabing kontrata.

Magugunita na tinutuligsa ni Senate President Franklin Drilon ang nasabing proyekto subalit nilinaw ni Northrail president Jose Cortes Jr. na walang anomalya sa kontrata at above-board ang lahat ng transaksyon dito. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BULACAN

DEPARTMENT OF FINANCE

EXIMBANK

EXPORT IMPORT BANK OF CHINA

JOSE CORTES JR.

NORTH LUZON RAILWAYS CORPORATION

NORTHRAIL

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with