Itoy matapos na I-schedule sa darating na Huwebes ni General Court Martial President Major General Vicente Guerzon ang pagpapalabas ng desisyon upang mabigyan sila ng pagkakataong isailalim sa masusing ebalwasyon ang mga iprinisintang dokumento.
Ang mga junior officers ng AFP na nasangkot sa Oakwood mutiny ay nililitis sa kasong paglabag sa Articles of War 96 (conduct unbecoming an officer and a gentleman) at posibleng madismis ang kaso laban sa 27 sa 29 sa mga akusadong opisyal matapos na hindi ang mga ito mabasahan ng sakdal sa loob ng itinakdang 2 taong palugit para tapusin ang paglilitis.
Umaapela ang depensa na idismis ang kaso laban sa 28 junior officers kabilang si Army Captain Milo Maestrecampo na pinagtatalunan kung nakapag-plea sa binasang sakdal at umiinit naman ang balitaktakan dahilan sa ginagawang pagharang ng prosecution panel na makalaya na ang mga akusadong sundalo.
Magugunita na noong Hulyo 27, 2003 ay sinakop ng may 300 junior officers at enlisted personnel ng AFP ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City bilang protesta sa umanoy talamak na korapsyon sa AFP. (Ulat ni Joy Cantos)