^

Bansa

Garci lusot sa siyasat!

- Ni Ellen Fernando -
Posibleng lusot na sa anumang kakaharaping kasong kriminal ang kontrobersyal na si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillano na sinasabing kausap ni Pangulong Arroyo sa "wiretapped audio tape" matapos na hindi na isinama ang kanyang pangalan sa mga iimbestigahan hinggil sa umano’y naganap na dayaan ng May 2004 presidential elections.

Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, hindi naisama ang pangalan ni Garcillano sa mga pinaiimbestigahan dahil sa hindi nila alam kung saan ipadadala ang liham na magmumula sa Comelec.

Aniya, blangko pa ang komisyon sa kinaroroonan ni Garcillano matapos na magtago ito sa hindi matukoy na lugar kasunod ng pagputok ng "Gloriagate CD".

May ulat na nasa London ang dating komisyuner subalit inaalam pa ito ng Comelec.

Nabatid na maliban kay Garcillano, lahat ng opisyales ng Comelec na nabanggit sa kontrobersyal na "Gloriagate tape" ay inatasang magpaliwanag at sumagot sa mga akusasyong ibinabato laban sa mga ito.

"Ang Comelec legal department ay nagpadala na ng sulat na humihiling sa lahat ng mga nabanggit sa tape na magkomento at ipaliwanag ang kanilang panig," ani Abalos.

Sinabi ni Abalos na magpapalabas ng desisyon ang Comelec en banc kung magsasagawa ng serye ng pagdinig matapos na makapagsumite ang poll officials ng kanilang sagot hinggil sa pagkakasangkot sa wiretapped tape.

Magugunita na umamin si Garcillano na nakipag-usap siya sa Pangulo habang kasagsagan ng halalan subalit itinanggi nito na minanipula nila ang resulta ng halalan upang tiyakin na makakakuha ng mahigit isang milyong lamang ang Pangulo sa kanyang katunggali na si yumaong Fernando Poe Jr. (May ulat ni Mayen Jaymalin)

vuukle comment

ABALOS

ANG COMELEC

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

FERNANDO POE JR.

GARCILLANO

GLORIAGATE

MAYEN JAYMALIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with