9-man council para palitan si PGMA binuo ng PCNS
July 26, 2005 | 12:00am
Inihayag kahapon ng Peoples Coalition for National Salvation (PCNS) ang 9-kataong transition council upang magsagawa ng bagong sistemang pulitikal, sosyal at pang-ekonomiya ng gobyerno.
Ayon kay Rodrigo San Gabriel, tagapagsalita ng malawakang samahan ng 120 na grupong sibiko, business, religous at pampulitika, ang pagbagsak ni Pangulong Arroyo ay hindi na mapipigilan at wala nang makakapagligtas ng kanyang nabigong liderato.
Siniguro ni San Gabriel sa sambayanan na ang bansa ay mas nasa mabuting kamay sa ilalim ng council na ito na binubuo ng mga nationalists, patriots, at taong may matuwid na mga personalidad, may programa upang sagipin ang ating lumulubog na ekonomiya.
Ang bubuo ng 9-man council na ito ay 1) isang retiradong may mataas na posisyon sa AFP na hindi nagpayaman sa puwesto; 2) isang lider ng civil society group na responsable sa pagkakaisa ng 120 organizations buhat sa maraming sektor at ngayon ay nasa ilalim ng PCNS at may papel sa pagpapatalsik ng dating dalawang Pangulo.
3)Isang nasa aktibong serbisyo sa militar na kilala sa kanyang radical na advocacy at pagmamahal sa bayan; 4) isang kasalukuyang senador na malakas ang koneksyon sa business sector buhat sa isang kagalang-galang na pamilya at hindi nasasangkot sa anumang anomalya; 5) isang galing sa academy, dating pangulo ng isang state university na kaalyado ng mga militant activist na nagsusulong ng pagtatatag ng isang revolutionary government; 6) isang kasalukuyang nanunungkulan sa gobyerno; 7) isang representante ng mga magbubukid, mangingisda, manggagawa, mga mahihirap at mga katutubo; 8) isang kakatawan sa mga kababaihan at kabataan na kilala sa pagtatanggol sa karapatan ng nasabing sektor; at 9) isang abogado, constitutionalist, educator at pilantropo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest