Quantum Global job opportunity

Inilunsad kamakailan ng Quantum Global Philippines, Inc ang isang programa na naglalayong makapagbigay ng "income opportunity" sa mga walang trabaho, mga maybahay, professionals at maging overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Harold Dick Ledda, pangulo at chief executive officer ng Quantum Global Philippines, ang programa na tinawag na Quantum Direct Selling ay authorized distributor ng globally innovative products kagaya ng Aurigold, X-1R, Sensua, AB King Pro, Timeworks, Cable Gym, Natural Bra, Ultra Trim & Firm, Quantum FB Plus at Ultra Svelt Patch.

Ang Quantum ay subsidiary ng Quantum Global Group, ang world’s pioneer ng Home TV Shopping na distributor ng mga kilalang produkto kabilang ang X-1R products.

Sinabi ni Ledda na ang kanilang "job opportunity" ay makakatulong ng malaki para sa lumulobong bilang ng mga walang hanapbuhay.

Sa mga nagnanais na maging dealer, maaaring tumawag sa tel. blg. 749-8888 para sa karagdagang impormasyon.

Umabot sa 1,000 katao ang dumalo sa launching kasama ang mga showbiz personalities na sina Dyan J, Ryan Dublin, Harbour Babies, Showerboys, G-Boyz at Pork and Beans.

Show comments