^

Bansa

Lacson pinahuhubaran ng ‘maskara’

-
"Lacson mapagkunwari!"

Ito ang isinisigaw ng isang grupo na humihiling na mapatawan ng karampatang parusa si Sen. Panfilo Lacson dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa Kuratong Baleleng.

Ayon sa Be Afraid, Be Very Afraid of Ping (BABVAP) movement na pinamumunuan ng dating whistleblower na si Mary "Rosebud" Ong, dapat nang tanggalan ng maskara si Lacson sa ginagawa nitong pagkukunwari na ito ay isang "crime buster" o di kaya’y bilang "Mr. Clean".

Sinabi ni Rosebud na dapat katakutan si Lacson lalo pa kung makikita ang tunay na pagkatao nito.

Binigyang-diin ng BABVAP na hindi dapat na kalimutan ang mga krimen na kinasangkutan ng senador at ng mga tauhan nito dahil marami umanong buhay ang nawala dahil sa mga ito.

Nagsagawa din ang nasabing grupo ng re-enactment ng Kuratong Baleleng rubout upang iparamdam sa korte na dapat ng madesisyunan ang kaso dito na ngayon ay nakabinbin sa Quezon City Regional Trial Court. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

BE AFRAID

BE VERY AFRAID OF PING

BINIGYANG

KURATONG BALELENG

LACSON

MR. CLEAN

PANFILO LACSON

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with