Anak ni Cam nawawala?
July 21, 2005 | 12:00am
Nawawala umano ang 17-anyos na anak na lalaki ni jueteng bag lady Sandra Cam matapos mabigong makauwi ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi.
Nabatid sa abogado ni Cam na si Atty. Frank Chavez, hindi pa umuuwi si Paolo Cam, matapos ang klase nito dakong alas-6 ng gabi nitong Martes sa Air Link International Aviation School sa Domestic Road, Pasay City.
Sinabi ni Chavez na ipinarating sa kanya ni Sandra na nawawala si Paolo at di pa nila inirereport sa pulisya ang insidente.
Itinanggi naman kahapon ng Air Link school na sa compound nila nawala si Paolo, first year college sa kursong BS Aircraft Technology.
Base anya sa kanilang rekord, itinuturing nilang drop-out ang anak nito kung saan nagsimulang lumiban ito noong Hunyo 17 at nasundan noong Hunyo 22, 23, 24, 30 at Hulyo 1, 6, 7, 8, 9 kaya imposible anyang mawala ito sa bakuran ng kanilang paaralan.
Nakagawian na umano nitong mag-text o tumawag sa ina kung saan mang lugar ito pupunta. Noong Martes ay nag-text pa umano ang teenager sa isa nitong kapatid na lalaki dakong alas-5 ng hapon at sinabing pauwi na siya.
Ngunit sa una aniyang pagkakataon ay hindi man lamang ito nagparamdam o tumawag man lamang sa kanyang ina.
Labis na nangangamba si Cam sa pagkawala ng anak nito, dahil na rin sa pagbabanta sa buhay ng naturang jueteng witness. (Ulat nina Joy Cantos/Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest