Undersecretaries masama ang loob kay GMA, magre-resign
July 20, 2005 | 12:00am
Ibinunyag ni Justice Secretary Raul Gonzalez na masusundan pa ang pagbibitiw sa puwesto ng ilang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo dahil may ilan umanong career officials ang hindi maitalaga sa puwesto sa kabila ng pananatili ng kanilang suporta sa liderato ng Pangulo.
Sinabi ni Gonzalez na may ilang mga undersecretaries ang masama ang loob matapos hindi ma-appoint bilang kapalit ng mga nag-resign na miyembro ng Gabinete partikular na ang Hyatt 10.
Aniya, tulad umano ni Finance Undersec. Emmanuel Bonoan na umanoy masama ang loob matapos na italaga si dating Landbank president Gary Teves. Ipinaliwanag ng kalihim na ilang beses na tumayong officer-in-charge si Bonoan sa Department of Finance kapalit ng nagbitiw na si Cesar Purisima. Nakasama pa si Bonoan sa ilang Cabinet meetings subalit hindi siya ang naitalaga sa puwesto. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest