Ipapatawag ng BI si Capt. Arthur Santos, ang piloto ng Subic Air Charter na may tail no. Rp-C4126, na naghatid kay Garcillano at 2 iba pa patungong Singapore.
Hindi naman dumaaan sa normal na proseso si Garcillano kaya wala itong departure record bagamat kinumpirma ng PNP-Aviation Security Group at Air Transportation Office na umalis ang nasabing eroplano pero hindi matiyak kung sakay nito ang dating Comelec official. (Ulat nina Butch Quejada/Grace dela Cruz)