Sinabi ni Garchitorena, miyembro ng civil society, nagsumite siya ng kanyang resignation noong Hulyo 7, isang araw bago naganap ang tinaguriang "Hyatt 10" na pinamumunuan ni dating Finance Sec. Cesar Purisima.
Inamin ni Garchitorena na ang nagtulak sa kanya para magbitiw sa gobyerno ay ang pagkakasangkot ni Pangulong Arroyo sa kontrobersyal na Hello Garci tape.
Iginiit naman nito na kahit nagbitiw siya sa kanyang puwesto ay hindi naman siya sasama sa mga rali na humihiling ng pagbibitiw ni PGMA.
Kinumpirma din ni Press Sec. Ignacio Bunye na nagbitiw na rin sa puwesto si Presidential Consultant on Investor Relations Cora Guidote. (Ulat ni Lilia Tolentino)