^

Bansa

SONA walkout

-
Pinaplano ng ilang kongresistang oposisyon na bastusin si Pangulong Arroyo sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng walkout.

Ayon kay Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, isang kilos-protesta ang isasagawa ng oposisyon sa Kamara sa pamamagitan ng walkout sa araw ng SONA ni PGMA sa darating na July 25.

Bukod sa walkout, wika pa ni Rep. Marcos, plano din nilang magsuot ng black ribbon sa kanilang braso at ang hindi pagtayo sa pagdating ni PGMA sa plenaryo para sa kanyang SONA.

"Nananawagan kami na mag-resign si GMA, tapos tatayo kami sa loob ng session hall sa harap ng kanyang SONA? Malabo yata yon," wika pa ni Marcos.

Maliban sa oposisyon, nakatakdang makiisa din sa boykot ang ilang miyembro ng Nacionalista Party, Liberal Party, Lakas at independent congressmen.

Sa panig naman ni Senate President Franklin Drilon, gagampanan pa rin niya ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng Senado sa darating na SONA sa kabila ng pangyayari na manawagan ang LP sa ilalim ng kanyang liderato na magbitiw si PGMA.

Samantala, todo naman ang ginagawang paghahanda ng Central Police District (CPD) para matiyak ang seguridad ng lahat ng dadalo sa darating na SONA sa Lunes.

Siniguro naman ni CPD director Nicasio Radovan Jr. na sapat na ang kanilang preparasyon para sa SONA ni Pangulong Arroyo. (Ulat nina Malou Rongalerios,Doris Franche at Rudy Andal)

CENTRAL POLICE DISTRICT

DORIS FRANCHE

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

LIBERAL PARTY

MALOU RONGALERIOS

NACIONALISTA PARTY

NICASIO RADOVAN JR.

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with