Hukom nakapagretiro na bago sibakin
July 18, 2005 | 12:00am
Hindi na kailangan pang sibakin sa serbisyo ang huwes na napatunayang nagkamali sa pagpapalaya sa pamamagitan ng piyansang P1-milyon sa isang convicted criminal na matagal nang nakakulong, dahil retirado na ito kayat pinagbabayad na lamang ng P40,000 ng Korte Suprema.
Sa 15-pahinang resolusyon ng Supreme Court 2nd Division, sinabi ng ponente na si Associate Justice Alicia Asutria Martinez, na guilty si General Santos City RTC (retired) Judge Jose Majaducon sa gross ignorance of the Law.
Ang kaso ay nag-ugat sa idinulog na reklamo ng station manager ng Bombo Radyo ng General Santos City sa tanggapan ng Office of the Court Administrator, noong nakaupo pa bilang administrator si Alfredo Benipayo.
Ayon sa reklamo ni Dan Vicente ng Bombo Radyo, pinayagan ni Judge Majaducon na magpiyansa si Evelyn Te, ang convicted sa kasong bouncing check, upang siya ay mapalaya sa halagang isang milyong piso sa kabila ng ilang taon na nitong pagkakakulong. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest