Northrail huwag idamay sa pulitika
July 16, 2005 | 12:00am
Nakakaladkad ang Northrail project sa alitang pulitika sa pagitan ng administrasyon at oposisyon.
Ito ang reaksiyon ng mga residente sa pahayag kamakailan ni Senate President Franklin Drilon na kaya niya hiniling ang resignasyon ni Pangulong Arroyo ay dahil hindi na makayanan ang korapsiyon sa kasalukuyang gobyerno, partikular ang ginawang pagsasanla ng pamahalaan sa ari-arian ng Pilipinas sa China makuha lamang ang pondong gagamitin sa North Railway.
Ayon sa mga dismayadong residente, hindi tamang isama sa political bickering sa ngayon ang nasabing proyekto gayung ang nangyayaring krisis pampulitika ay ugat lamang ng patuloy pa ring alitan sa pagitan ng oposisyon at administrasyon. Matagal na anilang dapat itong kinuwestiyon ng senador. Nagkaroon pa ng public hearing sa nasabing kontrobersiya subalit wala namang reaksiyon si Drilon hinggil dito.
Kapag napasimulan na ang phase 1 operation ng North Railway o ang Caloocan papuntang Malolos, Bulacan, kalahati ang matitipid na pamasahe ng mga commuters. P43 lamang ang pasahe kumpara sa bus na P75 bukod pa sa napakabilis ng travel time na aabot lamang ng 30 minuto.
Nilinaw naman ni Jose Cortes, presidente ng North Railway, hindi totoong overpriced ang nasabing proyekto dahil sa katunayan, mula sa dating $600 milyon ay naibaba ito sa $421 milyon total cost ng proyekto. Siya at ang buong pamunuan ng Northrail ay tumututol sa overpriced na proyekto. Ito anya ay para sa kapakanan ng mga Pinoy, partikular na ang mga nagtutungong North Luzon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended