^

Bansa

Tricycle, pedicab drivers na magtataas ng pasahe binalaan

-
Hinimok ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang mga residente na isumbong sa city hall ang mga abusadong tricycle at pedicab drivers at operators na magtataas ng kanilang pasahe.

Sinabi ni Echiverri na hindi nararapat magtaas ng kanilang pasahe ang pedicab at tricycle dahil wala itong awtorisasyon mula sa pamahalaang lungsod.

Ayon sa alkalde, hindi tamang samantalahin ng mga driver ang kaguluhang nagaganap at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Sinabi nito na alam niyang patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina subalit kailangan din isaalang-alang ang kapakanan ng mga sumasakay dahil hindi naman tumataas ang suweldo ng mga ito.

Aniya, masyadong marami ang hirap na pinapasan ng mga mamamayan at hindi ito nararapat patungan pa ng pagsasamantala.

Ipinaliwanag ng alkalde na kung nais ng mga drivers at operators na magtaas ng pasahe ay nararapat na makipag-ugnayan sila sa Tricycle and Pedicab Regulatory Services sa city hall. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

HINIMOK

IPINALIWANAG

ROSE TAMAYO

SINABI

TRICYCLE AND PEDICAB REGULATORY SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with