^

Bansa

Solons nakipaghamunan ng resignation kay GMA

-
Pinatulan ng oposisyon ang hamon ng Malacañang na magbitiw sa puwesto sakaling mapatunayan ang "Gloria-Garci tape" ay peke subalit dapat na ito din daw ang magiging desisyon ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, dapat hikayatin ni DENR Sec. Mike Defensor ang Pangulo na mag-resign kung mapapatunayan na totoo nga ang boses nito sa tape conversation nila ni dating Comelec commissioner Virgilio Garcillano.

"As a member of the opposition, I likewise accept Malacañang’s challenge but it should be mutual and binding," ayon sa senador.

Nagbigay din ng panukala si Lacson na magkaroon ng 100 kinatawan ng iba’t ibang non-political at sectoral groups para makinig sa tatlong oras na tape kung saan sinabi umano ng Pangulo ang mga katagang "yung dagdag, yung dagdag".

Aniya, dapat na umupo ang Pangulo kasama ang oposisyon at pakinggan ang recordings kabilang na rin ang mga kinatawan ng simbahan at ilang sektor na neutral bago nila pag-usapan ang mekanismo ng kanilang kasunduan.

Nauna na ng hinamon ni Defensor ang oposisyon na magbitiw sa kani-kanilang puwesto sakaling mapatunayang peke ang tape conversation ng Pangulo at ni Garcillano.

Samantala, naglabas naman ng isang "memorandum of undertaking" ang tatlong kongresista kung saan hinahamon nila si Pangulong Arroyo na pare-pareho silang magbibitiw sa puwesto kung mapapatunayan na boses niya ang babaeng humihingi ng dagdag na boto sa GMA-Garci tape.

Nakahanda na umanong mawala sa Kongreso sina House Minority Leader Francis Escudero, Reps. Justin Chipeco at Bem Noel kung mapapatunayang dinoktor ang nasabing tape. (Ulat nina Rudy Andal/Malou Rongalerios)

BEM NOEL

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

JUSTIN CHIPECO

MALACA

MALOU RONGALERIOS

MIKE DEFENSOR

PANFILO LACSON

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with