^

Bansa

Gloria, palaban na!

-
Binuweltahan ni Pangulong Arroyo ang kanyang mga kritiko na gagamitin niya ang mga umiiral na batas kung ipagpapatuloy nila ang panggugulo at pag-iingay na lubhang nakakaapekto na sa ekonomiya ng bansa.

Ang banta ay ginawa ng Pangulo sa harap ng mga US diplomats at consuls na nagsadya kahapon sa Malacañang.

Sinabi ng Pangulo na minaniobra ng oposisyon at kanyang mga kritiko ang sitwasyon para maisulong ang kanilang layuning pahinain ang kanyang administrasyon. Pero tiniyak ng Pangulo na tatapatan niya ng lakas para labanan ang mga ito sa hangarin nilang pananabotahe.

Ayon sa Pangulo, kung ayaw ng kanyang mga katunggali sa pulitika na tingnan ang mga naisagawa na niyang reporma para maisulong ang ekonomiya at maiangat sa kahirapan ang maraming mamamayan ay dapat magpakita ng kanilang programa sa pamahalaan ang oposisyon kung nais nilang maiangat sa mataas na pamantayan ang bansa."They whine and complain but do they have a plan for the nation? They want to divide and go back, I want to unite and move forward. If they want unrest in the street, I will enforce the law." (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

BINUWELTAHAN

LILIA TOLENTINO

MALACA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PERO

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with