Aminado ang ilang solons na mauuwi lamang sa pagtatalo-talo ng mga miyembro ng komite ang pagdinig kung hindi pa rin sisipot ang kanilang mahalagang testigo na sina Garcillano at Ong.
Dalawang beses ng pinadalhan ng subpoena si Garcillano sa tahanan nito sa Cagayan de Oro City na sinagot ng katiwala at sinabing hindi nila alam kung nasaan ang dating commissioner, habang sinabi ng Gotesco Tower sa Maynila na hindi kinukuha ng dating opisyal ng Comelec ang mga sulat nito.
Inihayag naman ni Atty. Homobono Adaza, abogado ni Ong, na hindi niya malaman kung nasaan ang kanyang kliyente.
Pero hindi pabor si House Minority Leader Francis Escudero na basta na lamang itigil ang pagdinig.
"Technically we cant proceed in the absence of witnesses dahil kami-kami lamang ang magde-debate. But it should be a temporary postponement. Meaning the hearings will resume immediately after the authorities arrested Garcillano and Ong," ani Escudero.
Tiniyak naman ni Cavite Rep. Gilbert Remulla, chairman ng House committe on public information na gagamitin ng Kamara ang lahat ng kapangyarihan para arestuhin sina Garcillano at Ong at ikulong ang mga ito sa Batasan Complex kung kinakailangan. (Ulat ni Malou Rongalerios)