^

Bansa

Wiretapping tigil muna

-
Nais ng ilang mambabatas mula sa administrasyon na pansamantalang itigil ang pagdinig ng limang komite sa isyu ng wiretapping na nakatakdang ipagpatuloy ngayon dahil sa inaasahang pang-iisnab na naman nina dating Comelec commissioner Virgilio Garcillano at ex-NBI deputy director Samuel Ong.

Aminado ang ilang solons na mauuwi lamang sa pagtatalo-talo ng mga miyembro ng komite ang pagdinig kung hindi pa rin sisipot ang kanilang mahalagang testigo na sina Garcillano at Ong.

Dalawang beses ng pinadalhan ng subpoena si Garcillano sa tahanan nito sa Cagayan de Oro City na sinagot ng katiwala at sinabing hindi nila alam kung nasaan ang dating commissioner, habang sinabi ng Gotesco Tower sa Maynila na hindi kinukuha ng dating opisyal ng Comelec ang mga sulat nito.

Inihayag naman ni Atty. Homobono Adaza, abogado ni Ong, na hindi niya malaman kung nasaan ang kanyang kliyente.

Pero hindi pabor si House Minority Leader Francis Escudero na basta na lamang itigil ang pagdinig.

"Technically we can’t proceed in the absence of witnesses dahil kami-kami lamang ang magde-debate. But it should be a temporary postponement. Meaning the hearings will resume immediately after the authorities arrested Garcillano and Ong," ani Escudero.

Tiniyak naman ni Cavite Rep. Gilbert Remulla, chairman ng House committe on public information na gagamitin ng Kamara ang lahat ng kapangyarihan para arestuhin sina Garcillano at Ong at ikulong ang mga ito sa Batasan Complex kung kinakailangan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

BATASAN COMPLEX

CAVITE REP

COMELEC

GARCILLANO

GARCILLANO AND ONG

GILBERT REMULLA

GOTESCO TOWER

HOMOBONO ADAZA

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with