Sa isinagawang pulong balitaan sa Hyatt Regency Manila kahapon ng umaga, naghain ng collective irrevocable resignation sina Finance Sec. Cesar Purisima, Budget Sec. Emilia Boncodin, DSWD Sec. Corazon "Dinky" Soliman, DepEd Sec. Florencio Abad, DAR Sec. Rene Villa, National Anti-Poverty Commission Sec. Imelda Nicolas, BIR Commissioner Guillermo Parayno, DTI Sec. Juan Santos, Customs Chief Alberto Lina at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita Deles.
Nilinaw ni Purisima na bago ang announcement ng Pangulo na maghain ng courtesy resignation ang lahat ng Cabinet member ay nakahanda na ang kanilang resignation nitong Hulyo 5.
Sinabi nila na ang pinakamagandang solusyon na magagawa ng Pangulo sa kasalukuyang krisis ng bansa ay ang magsakripisyo para sa Diyos at sa bansa.
Nais din ng mga nagbitiw na kalihim na isulong ang "smooth transition" kung saan si Vice Pres. Noli de Castro ang papalit sa kanya.
Agad namang tinanggap ng Pangulo ang irrevocable resignation ng 10 opisyal. (Ulat nina Ellen Fernando/Lordeth Bonilla)