^

Bansa

10 nag-resign na Cabinet members pinagbibitiw si GMA

-
Matapos na mag-anunsyo si Pangulong Arroyo ng force resignation sa lahat ng kanyang miyembro ng Gabinete, 10 economic managers at Cabinet members nito ang naghain ng kanilang irrevocable resignation at nanawagan na magbitiw na rin ang Pangulo sa kanyang puwesto.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Hyatt Regency Manila kahapon ng umaga, naghain ng collective irrevocable resignation sina Finance Sec. Cesar Purisima, Budget Sec. Emilia Boncodin, DSWD Sec. Corazon "Dinky" Soliman, DepEd Sec. Florencio Abad, DAR Sec. Rene Villa, National Anti-Poverty Commission Sec. Imelda Nicolas, BIR Commissioner Guillermo Parayno, DTI Sec. Juan Santos, Customs Chief Alberto Lina at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita Deles.

Nilinaw ni Purisima na bago ang announcement ng Pangulo na maghain ng courtesy resignation ang lahat ng Cabinet member ay nakahanda na ang kanilang resignation nitong Hulyo 5.

Sinabi nila na ang pinakamagandang solusyon na magagawa ng Pangulo sa kasalukuyang krisis ng bansa ay ang magsakripisyo para sa Diyos at sa bansa.

Nais din ng mga nagbitiw na kalihim na isulong ang "smooth transition" kung saan si Vice Pres. Noli de Castro ang papalit sa kanya.

Agad namang tinanggap ng Pangulo ang irrevocable resignation ng 10 opisyal. (Ulat nina Ellen Fernando/Lordeth Bonilla)

BUDGET SEC

CESAR PURISIMA

COMMISSIONER GUILLERMO PARAYNO

CUSTOMS CHIEF ALBERTO LINA

ELLEN FERNANDO

EMILIA BONCODIN

FINANCE SEC

FLORENCIO ABAD

PANGULO

SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with