Ito ang nagkakaisang pahayag nina DOST Sec. Estrella Alabastro, Economic Planning Sec. Romulo Neri at DSWD Sec. Corazon Dinky Soliman.
Ayon sa mga kalihim, nakasorpresa sa kanila ang ganitong balita lalo na ang tsismis na hindi umano nagkakasundo sa ilang isyu ang mga miyembro ng Gabinete. Kung mayroon man anilang hindi napagkakasunduan ang mga miyembro ng Gabinete, tinatalakay nila ang isyu at sa dakong huli ay nagkakaroon din naman sila ng pagkakasundo sa mga hakbang na dapat gawin ng gobyerno.
Anila, walang dudang nananatiling maganda ang relasyon ng buong Gabinete sa Pangulo lalo na sa mga isinusulong niyang reporma. (Ulat ni Lilia Tolentino)