^

Bansa

Lacson, Bishop Cruz hinamong magpa-lie test

-
Hinamon kahapon ni dating Presidential Adviser for Bicol Affairs Mario Espinosa sina Sen. Panfilo Lacson at Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na sumailalim sila sa ‘lie detector test’ upang malaman ng taumbayan kung sino ang nagsisinungaling sa kanila.

Sinabi ni Mr. Espinosa, nakahanda siyang sumailalim sa ‘lie detector test’ kasama sina Sen. Lacson at Bishop Cruz upang malaman ng publiko kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Inakusahan ni Espinosa si Cruz na nakikipagsabwatan kay Sen. Lacson upang pabagsakin ang Arroyo government at hindi para mapahinto ng tuluyan ang jueteng sa bansa.

Ibinunyag kamakailan ni Espinosa na pinipilit siya nina Lacson at Cruz na tumestigo laban sa pamilya ni Pangulong Arroyo kaugnay sa isinasagawang jueteng investigation ng Senado.

Aniya, tumanggap siya ng text messages noong June 5 at 6 mula kina Lacson at Cruz kung saan ay pinipilit siyang tumestigo laban sa pamilya Arroyo.

Nang hindi siya pumayag ay tumanggap na siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay pero pinabulaanan naman ito ng obispo subalit iginiit ni Espinosa na saksi niya dito ang kanyang legal counsel na si Atty. Rodel Batocabe.

"I am willing to testify before the Church, the Senate, or any other body, that Archbishop Cruz and Sen. Lacson both tried to pressure me to become their jueteng witness, and Sen. Lacson even admitted in his text messages that he was working on this together with Bishop Cruz," dagdag pa ng dating presidential adviser.

Sa kabila ng mga pananakot at pagbabanta ng kampo nina Lacson at Cruz ay humarap pa rin si Espinosa sa imbestigasyon ng Senado pero hindi siya napilit na tumestigo laban sa pamilya Arroyo.

Dahil dito, hinamon ni Espinosa sina Lacson at Cruz na sumailalim sila ng ‘lie detector test’ upang malaman ng publiko kung sino sa kanila ang nagsisinungaling.

"They can ask anything and everything about jueteng. For them, the questions should be: Are they working together to destroy the Arroyo administration? Did they both try to pressure me to become their jueteng witness? What is Bishop Cruz’s objective for this jueteng probe, to arrive at the truth and stop jueteng, or, is it to topple the Arroyo government?And are these witnesses of Bishop Cruz really his or were they furnished him by Sen. Lacson and other opposition figures?", mungkahi pa ni Espinosa sa mga posibleng tanong sa isasagawang lie detector test kina Lacson at Bishop Cruz. (Ulat ni Rudy Andal)

ARCHBISHOP CRUZ AND SEN

BICOL AFFAIRS MARIO ESPINOSA

BISHOP CRUZ

CRUZ

ESPINOSA

JUETENG

LACSON

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

MR. ESPINOSA

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with