^

Bansa

Susan ‘secret weapon’ng oposisyon - Pimentel

-
Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr, na si Gng. Susan Roces (Poe) ang "secret weapon" na kailangan ng oposisyon para maisulong ang pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo dahil sa lakas ng hatak nito sa mga tagasuporta ng namayapa nitong asawang si Fernando Poe Jr. na pinaniniwalaang dinaya ng nagdaang May 2004 presidential elections.

Ayon kay Pimentel, ang paglutang ni Roces mula sa matagal na pananahimik ay tiyak na nakapagpapa-alarma ngayon sa Pangulo sa kinakaharap nitong mga krisis sa bansa.

Nasaksihan ng solon kung paano iginalang ang biyuda ni Da King ng milyun-milyong tagasuporta ng asawa, hindi lamang sa taglay na ganda nito at magaling na aktres kundi epektibong tagapagsalita ng masa.

"In addition being a pretty face in the movie industry, she has the capacity to mobilize warm bodies coming from the ranks of the followers of her late husband, FPJ, and also from the ranks of her own fans," ani Pimentel.

Aniya, sa mga ambush interviews pa lamang ay kakikitaan na ng pagiging matalino si Roces at mabilis na nakasasabay sa balitaktakan sa national issues sa bansa.

"Her mere presence is enough reason to draw the people to the demonstrations against Gloria," dagdag ni Pimentel.

Magugunita na bumulusok ang galit ni Roces laban sa Pangulo nang humingi ng paumanhin ang huli sa taumbayan at aminin na boses niya ang nakapaloob sa kontrobersyal na "Gloria-Garci tape" subalit itinanggi nito na hindi siya nandaya sa halalan. (Rudy Andal)

ANIYA

DA KING

FERNANDO POE JR.

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROCES

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR

SUSAN ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with