^

Bansa

Simbahan magdedesisyon kung susuportahan si GMA

-
Inaasahang magdedesisyon na ang Simbahang Katoliko kung patuloy nilang susuportahan ang administrasyon ni Pangulong Arroyo sa isasagawang "plenary assembly" ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiquez na inaasahan niyang tatalakayin ang panawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Arroyo sa kanilang assembly ngayong Hulyo 4-8.

Matatandaan na nanawagan sina Iñiquez, Novaliches Bishop Antonio Tobias at Bishop Emeritus Libayen ng pagbibitiw ng Pangulo dahil sa pagkawala na umano ng moral at legal na awtoridad nito na mamuno sa bansa matapos na aminin na nakipag-usap siya sa isang opisyal ng Comelec sa kasagsagan ng halalan noong May 2004.

Idinagdag pa ni Manila Archbishop Gaudencio Rosales na sa kabila ng pag-amin, nararapat pa ring panindigan ng Pangulo ang kanyang naging aksiyon at managot dito dahil hindi sapat ang paghingi nito ng sorry.

Sinabi naman si Cebu Archbishop Ricardo Vidal na nasa ilalim ng "State of Prayer" ang buong archdiocese ng lalawigan at idineklara ang Hulyo 8 bilang "Day of Fasting".

Sinabi nito ang pangangailangan sa panawagang manalangin dahil sa walang makitang konkretong solusyon sa krisis na kinakaharap ng bansa ukol sa umano’y pandaraya ni Pangulong Arroyo.

Ito rin ang pinanawagan ni Archbishop Rosales at dating Pangulong Corazon Aquino na tumanggi sa anumang uri ng bayolenteng paraan para mapalitan ang pamahalaan dahil labag ito sa Konstitusyon. (Danilo Garcia)

ARCHBISHOP ROSALES

BISHOP EMERITUS LIBAYEN

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS I

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CEBU ARCHBISHOP RICARDO VIDAL

DANILO GARCIA

DAY OF FASTING

HULYO

PANGULONG ARROYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with